Ang County ng Santa Clara ay nangagailangan sa lahat ng mga negosyo na magkumpleto ng isang Binagong Protokol ng Pagdistansya sa Ibang Tao at isumite ang dokumentong ito sa County. Ang paraan na ito ay makakatulong sa pagtiyak na ang ating komunidad ay handa sa pagpigil ng pagkalat ng COVID-19.
MANGYARING MAPAYUHAN: Sa ilalim ng Binagong Kautusan ng Pagbabawas ng Panganib na inilabas noong Oktubre 5, LAHAT ng mga negosyo ay dapat magkumpleto ng isang BAGONG Protokol ng Pagdistansya sa Ibang Tao gamit ang binagong webform na maaaring matagpuan sa link sa ibaba. Ang mga Protokol ng Pagdistansya sa Ibang Tao na isinumite bago sa Oktubre 11, 2020 ay wala ng bisa.
Mayroon ding isang BAGONG Kinakailangan sa Limitasyon sa Kapasidad sa ilalim ng Binagong Kautusan ng Pagbabawas ng Panganib na inilabas noong Oktubre 5, pati na rin ang isang BAGONG Mahigpit na Ipinapatupad na Direktiba sa mga Limitasyon sa Kapasidad na inilabas noong Nobyembre 15. Repasuhin ang mga detalyadong tagubilin sa Mga Limitasyon sa Kapasidad sa COVID-19.
Mangyaring repasuhin ang mga tagubilin sa ibaba kung paano makumpleto ang Binagong Protokol ng Pagdistansya sa Ibang Tao na kinakailangan ng bawat negosyo na matatagpuan sa County.
Ang mga employer ay kinakailangan na ngayon na atasan ang mga empleyado na nasuring positibo sa COVID-19 na manatili sa bahay at magbukod nang hindi bababa sa 10 na araw mula sa petsa na nagsimula ang kanilang mga sintomas AT hindi bababa sa 24 na oras pagkatapos ng paggaling ng lagnat nang hindi gumagamit ng mga gamot na nakakabawas ng lagnat; AT pagbuti ng anumang iba pang mga sintomas. Kung wala silang anumang mga sintomas ng COVID-19, dapat silang magbukod ng 10 na araw mula sa petsa kung kailan ginawa ang kanilang positibong pagsusuri. Ito ay kilala bilang ang "10/1 na panuntunan" at ito ay isang pagbabago mula sa naunang "10/3 na panuntunan," na mula sa pahina 6 ng orihinal na bersyon ng Protokol ng Pagdistansya sa Ibang Tao. Kinakailangan na sundin ng mga employer ang 10/1 na panuntunan simula noong Setyembre 22, 2020.
Database ng mga Negosyo sa Protokol ng Pagdistansya sa Ibang Tao
Ang mga customer at ang pangkalahatang publiko ay hinihikayat na tingnan ang listahan ng mga negosyo na nagsumite ng kanilang Binagong Protokol ng Pagdistansya sa Ibang Tao upang makatulong na matiyak na ang ating komunidad ay nakahanda para ligtas na makapagpatakbo.
Mga Tagubilin para sa Pagsumite ng Protokol ng Pagdistansya Mula sa Ibang Tao
Ang lahat ng mga negosyo sa Santa Clara County ay dapat magkumpleto ng isang Protokol ng Pagdistansya Mula sa Ibang
Tao at isumite ito sa County gamit ang link sa ibaba.
Mangyaring basahin ang lahat nitong mga tagubilin bago mag-click sa
link.
Ang pinakabago na Protokol ng Pagdistansya Mula sa Ibang Tao ay may mga bagong kinakailangan at dapat ninyong
makumpleto itong bersyon kahit na nakumpleto na ninyo ang mas lumang bersyon.
Ano ang aasahan: Kapag nag-click sa link sa ibaba, makukumpleto ninyo ang isang Protokol ng
Pagdistansya Mula sa Ibang Tao. Hinihiling sa inyo ng Protocol na magpasok ng impormasyon na:
- Kinikilala at nagbibigay ng impormasyon ng nakipag-ugnay para sa negosyo at ang taong responsable sa pagtiyak ng
pagsunod sa Protokol (ito ay karaniwang magiging isang may-ari o manager)
- Kinukumpirma na ang negosyo ay nagpo-post ng tamang palatandaan
- Kinukumpirma na ang negosyo ay maayos na sinasanay ang kanilang mga manggagawa
- Kinukumpirma na ang negosyo ay gumagawa ng mga pamamaraan upang maprotektahan ang mga manggagawa at publiko
- Kinukumpirma na ang negosyo ay may isang sapat na plano kung ang isang manggagawa ay nasuring positibo para sa
COVID-19
- Pinapatunay sa ilalim ng parusa na bawal na magsinungaling na ang impormasyong isinumite ay totoo at tumpak sa
kaalaman ng taong pumirma ng Protokol
Sertipikasyon sa ilalim ng parusa na bawal na magsinungaling: Hindi maaaring isumite ang Protokol
maliban kung ito ay napirmahan sa ilalim ng parusa na bawal na magsinungaling ng isang tao na pinahintulutan ng
negosyo. Kung kinukumpleto ninyo ang form na ito, dapat tiyakin ninyo na pinahintulutan kayo upang makumpleto ang
form at isumite ito para sa negosyo. Kapag nakumpleto ninyo ang Protokol sa link sa ibaba, kakailanganin ninyong
lagdaan ang Protokol gamit ang isang elektronikong pirma sa DocuSign. (Hindi maaaring pumirma gamit ang panulat at
papel.) Ang pagsumite ng Protokol sa ilalim ng parusa na bawal na magsinungaling ay nangangahulugan na ang lahat sa
form ay dapat na totoo sa abot ng inyong kaalaman, at kasama ang impormasyon na alam ninyong mali ay isang krimen.
Ang impormasyong isinumite ninyo ay makikita ng publiko: Makikita ng publiko ang mga protokol na
dokumento, at ipo-post ng County ang lahat ng nakumpletong Protokol sa online. Makikita ng publiko ang lahat ng
impormasyong ipinasok ninyo sa Protokol.
Ang pagkumpirma at pag-print ng Protokol, na-update na palatandaan na "COVID-19 PREPARED", at Buod
na Talaan: Kapag nakumpleto at napatunayan ang Protokol, makakatanggap kayo ng isang email sa
pagkumpirma. Ang email ng kumpirmasyon ay may kasamang PDF ng inyong nakumpletong Protokol. Magagawa ninyong i-print
ang nakumpletong Protokol. Ang nakumpletong Protokol ay dapat na ibinahagi ayon sa hinihiling sa Kautusan ng Hulyo
6, kabilang sa lahat ng mga manggagawa. Kasama din sa PDF ang isang na-update na palatandaan na "COVID-19
PREPARED" na tiyak sa inyong negosyo, pati na rin ang Talaan ng Impormasyon ng Bisita ng Protokol ng
Pagdistansya Mula sa Ibang Tao. Ang palatandaan at talaan ng impormasyon ng bisita ay dapat mai-post sa o malapit sa
pasukan ng pasilidad na nakatukoy sa Protokol.
Kung hindi ninyo natapos ang Protokol sa isang pag-upo: Kapag kinukumpleto ang Protokol, makakakita
kayo ng isang pindutan na "Tapusin Mamaya" (Finish later). Kung na-click ninyo itong pindutan,
makakatanggap kayo ng isang email na nagbibigay-daan sa inyo upang magpatuloy sa pagkumpleto ng form sa ibang
pagkakataon. Kung hindi ninyo nai-click itong pindutan bago mag-signout o isara ang window, lahat ng impormasyon na
pinasok ninyo ay mawawala, at kakailanganin ninyong magsimula mula sa simula upang isumite ang inyong Protokol.
Ang mga pagbabago at pagwawasto: Kapag nakumpleto at isumite ninyo ang Protokol, hindi kayo maaaring
gumawa ng mga pagbabago sa partikular na Protokol. Gayunpaman, maaari ninyong kumpletuhin at i-sumite ang isang
bagong Protokol kung nais ninyong i-update, baguhin, o iwasto ang orihinal. Kung nagsumite na kayo ng Protokol sa
website ng County gamit ang link sa ibaba, siguraduhing i-tsek ninyo ang kuwadrado sa unang seksyon ng Protokol na
nakasulat ang "Kapalit na Protokol." (Replacement Protocol)
May iba pang mga katanungan? Tingnan ang seksyon ng FAQ ng County sa Protokol ng Pagdistansya Mula sa Ibang Tao para sa
karagdagang impormasyon.
Ang lahat ng mga negosyo sa Santa Clara County ay dapat magkumpleto ng isang Protokol ng Pagdistansya Mula sa Ibang
Tao at isumite ito sa County gamit ang link sa ibaba.
Mangyaring basahin ang lahat nitong mga tagubilin bago mag-click sa
link.
Mag-click dito para sa isang prebista ng Form ng Protokol ng Pagdistansya Mula sa Ibang Tao.