Ang mga kemikal na tinatanggap ng Programa sa Mapanganib na Basura sa Bahay ay nabibilang sa isa sa apat na kategorya ng panganib ng D.O.T.:
Nagniningas: mga pintura, tuyo o basa, mga produktong mula sa petrolyo, mga pampakintab, gasolina
Mga nakasisirang bagay: mga asido, base, baterya, mga pantanggal ng bara sa paagusan
Mga nakalalason: mga lason, pestisidyo, mga kemikal sa paghahardin, ammonia, pantunaw
Reactive: mga kemikal para sa pool, hydrogen peroxide, iodine, perchlorate
Sari-sari: propane, helium, maliliit na tangke ng oxygen, mga detektor ng usok, fluorescent lamp, gamot, matatalim na bagay